COVID-19: Isang patnubay para sa temporary foreign workers na magbibiyahe papunta sa Canada
Sa page na ito
- Seksyon 1: Paano itigil ang pagkalat ng COVID-19
- Seksyon 2: Ano ang dapat mo malaman bago ka umalis sa iyong bansa
- Seksyon 3: Ano ang dapat mo malaman para sa iyong pagdating
- Seksyon 4: Ano ang dapat mo malaman para sa buong panahon ng iyong stay
Seksyon 1: Paano itigil ang pagkalat ng COVID-19
Pagbabakuna
Ayon sa ebidensiya, ang mga bakuna ay mabisa sa paghadlang ng malulubhang resulta ng COVID-19, tulad ng malubhang sakit, pagpapa-ospital, at kamatayan.
Ang mga COVID-19 vaccines na inaprubahang gamitin sa Canada ay libre. Ang mga ito’y available para sa lahat, kabilang ang temporary foreign workers.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sakit ng Coronavirus (COVID-19): Paghadlang at mga panganib
Mga karagdagang patakaran
Habang patuloy ang mga pagsisikap sa buong Canada na dagdagan ang pangkalahatang vaccine coverage at bawasan ang community transmission, ang mga patakaran ng pampublikong kalusugan ay nananatili pa ring pundasyon ng pagtugon sa pandemya.
Dapat mo sundin ang lahat ng mga patakaran ng local public health, anuman ang iyong vaccination status. Ang mga rekomendasyon para sa ilang mga patakaran ay inaasahang magbago sa katagalan ng panahon bilang pagtugon sa kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sakit ng Coronavirus (COVID-19): Paghadlang at mga panganib
Seksyon 2: Ano ang dapat mo malaman bago ka umalis sa iyong bansa
Paghahanda para magbiyahe
Bago ka maghanda para magbiyahe, tanungin mo muna sa iyong employer (o sa iyong Ministry of Labour, kung ikaw ay nasa Seasonal Agricultural Worker Program [SAWP]) kung available pa ang iyong trabaho. At basahin ang email na natanggap mo mula sa Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) at sundin ang kanilang payo.
Karagdagang paghihigpit sa border
May iba’t-ibang testing at quarantine requirements pagdating sa Canada, depende sa bansa mula saan ikaw ay nagbiyahe, at depende sa kung ikaw ay fully vaccinated.
I-check kung ikaw ay kwalipikado bilang isang fully vaccinated traveller at para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mg bagong paghihigpit sa border para sa travel by air.
Dapat mong gamitin ang ArriveCAN upang ibigay ang mandatory travel / quarantine information sa at pagkatapos ng iyong entry sa Canada. Mangyaring rebyuhin ang pre-entry testing at ArriveCAN requirements ng Government of Canada.
Seksyon 3: Ano ang dapat mo malaman para sa iyong pagdating
Testing, quarantine, at isolation
Dapat mong alamin kung ano ang arrival tests at ang quarantine o isolation requirements. Pagdating mo ay bibigyan ka ng border officer sa airport ng mga karagdagang tagubilin.
Paggamit ng ArriveCAN
Dapat mong gamitin ang ArriveCAN upang ibigay ang mandatory travel / quarantine information sa at pagkatapos ng iyong entry sa Canada. Mangyaring rebyuhin ang pre-entry testing at ArriveCAN requirements ng Pamahalaan ng Canada.
Seksyon 4: Ano ang dapat mo malaman para sa buong panahon ng iyong stay
Ang iyong mga karapatan
Para sa impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan, mangyaring bisitahin ang Foreign Worker Rights web page.
Mga patakaran hinggil sa suporta sa income sa panahon ng COVID-19
Hindi maaring tapusin o itigil ng iyong employer ang iyong kontrata kung nagkasakit ka ng COVID-19. Maaaring eligible ka para sa Benefits at services ng COVID-19 kung ikaw ay nagkasakit at hindi ka nakapagtrabaho dahil sa COVID-19. Maaaring karapat-dapat kang makakuha ng may bayad o walang bayad na sick leave, depende sa iyong kontrata sa trabaho at sa mga nauugnay na federal, provincial, o territorial na pamantayan sa trabaho.
Pagpapalit ng trabaho
Kung magpapalit ka ng trabaho o ng mga employer at kailangan mo ng isang bagong work permit na ispesipiko para sa employer, mangyaring konsultahin ang Magtrabaho sa Canada nang Temporary page.
Mga Organisasyon na Nagsusuporta sa Migrant Workers
Pinopondohan ng Pamahalaan ng Canada ang community organizations upang suportahan ang workers na naapektohan ng COVID-19. Ang mga organisasyon na ito ay maaring magbigay ng payo at suporta, interpretation (pagsasalin sa ibang wika), workshops, mga oportunidad na magtatag ng mga koneksyon sa komunidad, at marami pang iba.
- Para sa workers sa British Columbia:
- Ang Community Airport Newcomers Network ang sasalubong sa iyo sa Vancouver International Airport, magbibigay sa iyo ng impormasyon, at mag-aalok sa iyo ng orientation session. Sa iyong package, may makikita kang listahan ng mga organisasyon na nagbibigay-suporta.
- Ang MOSAIC, isa pang pinopondohang organisasyon, ay nag-aalok ng mga serbisyo sa migrant workers at makokonekta ka nila sa support organizations malapit sa iyo.
- Para sa workers sa Alberta, Saskatchewan, at Manitoba:
- Ang Calgary Catholic Immigration Society (CCIS) ay nag-aalok ng iba’t-ibang mga serbisyo sa migrant workers at makokonekta ka nila sa support organizations malapit sa iyo.
- Para sa workers sa Ontario, Nova Scotia, New Brunswick, Prince Edward Island, at Northwest Territories:
- Ang KAIROS ay nag-aalok ng iba't-ibang mga serbisyo sa migrant workers at makokonekta ka nila sa support organizations malapit sa iyo.
- Para sa workers sa Quebec:
- Ang Immigrant Québec ay may website para sa mga TFW. May listahan ng support organizations sa ilalim ng tab na “Who can help?” (Sino ang Makakatulong?)
At maari mo ring bisitahin ang Migrant Worker Hub upang humanap ng resources na makakatulong sa iyo. Bagamat ang ilang impormasyon ay ispesipiko sa British Columbia lamang, ang karamihan ay naaangkop, saan ka man nagtratrabaho at nakatira sa Canada.
Pagreport ng abuso
Kung ikaw ay nanganganib o nasa peligrosong sitwasyon, mangyaring tumawag kaagad sa 9-1-1.
Ito’y libre mong matatawagan mula sa anumang telepono sa Canada.
Ang lahat ng workers sa Canada ay protektado sa ilalim ng batas sa Canada.
Lubos na siniseryoso ng Canada ang pag-aabuso sa temporary foreign workers (TFWs). Ang mga employer na umaabuso sa workers ay maaaring multahan o maaaring alisin mula sa programa.
Para sa impormasyon tungkol sa abuso at kung paano ito ireport sa telepono, nang personal, o sa regular na mail, mangyaring konsultahin ang Paano magreport ng abuso sa temporary foreign workers.
Upang mag-report ng abuso online, maaari mong gamitin ang multilingual Online form upang magreport ng pag-aabuso ng Temporary Foreign Workers.
Maari mo rin sabihan ang Royal Canadian Mounted Police, ang local law enforcement/pulis, at ang lokal na mga awtoridad sa kalusugan.
Open Work Permit para sa Vulnerable Workers
Kung sa palagay mo’y ikaw ay inaabuso, o ikaw ay nanganganib na abusuhin ng iyong employer, maaring eligible kang mag-apply para sa isang open work permit para sa vulnerable workers. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang vulnerable foreign workers na mga biktima ng abuso page ng IRCC.
Report a problem or mistake on this page
- Date modified: