Paano magreport ng pag-abuso sa Temporary Foreign Workers

Kung ikaw ay nasa mapanganib o peligrosong sitwasyon, mangyaring tumawag kaagad sa 9-1-1.
Ito'y libreng tawag mula sa anumang telepono sa Canada.

Ang lahat ng workers sa Canada ay protektado sa ilalim ng batas ng Canada.

Lubhang sineseryoso ng Canada ang pag-abuso sa temporary foreign workers (TFW) o ang TFW program. Ang mga employer na umaabuso sa workers o sa program ay maaring multahan o pagbawalan sa program.

Ang kahit sino man ay maaring magreport ng pag-abuso, halimbawa:

  • ang worker
  • isang kasamahan sa trabaho
  • ang employer
  • isang miyembro ng publiko
  • Isang banyagang konsulada
  • Isang grupong pang-adbokasiya

Uri ng abuso na dapat mong ireport

  • Mayroong nagbabanta, nagbu-bully, o umaabuso sa iyo
  • Mayroong nagbabanta sa iyong status sa Canada
  • Hindi ka pinahihintulutang umalis sa iyong lokasyon ng trabaho o sa iyong tirahan
  • Hawak ng iba ang iyong passport o mga dokumento
  • Hindi mo natatanggap ang iyong wastong suweldo o time-off
  • Ang trabahong ginagawa mo ay naiiba sa trabahong sinang-ayunan mong gawin, o sa trabahong sinabi sa LMIA

Ang mga dapat malaman kapag gumagawa ng report

  • Mahalagang sabihin mo sa amin ang lahat ng impormasyon na maibibigay mo
  • Ang impormasyon na ibibigay mo sa amin ay protektado ng mga batas ng Canada ukol sa privacy/pagka-pribado
  • Hindi namin kailanman sasabihin sa iyong employer o sa sinoman sa iyong lugar ng trabaho kung sino ang gumawa ng report
  • Hindi mo kailangang ibigay ang iyong pangalan, telepono, o LMIA/work permit number upang gumawa ng report, pero makakatulong ang mga ito sa amin kung sakaling kailangan namin ng karagdagang impormasyon
  • Hindi ka namin kokontakin at hindi namin ibibigay ang iyong impormasyon nang wala ng iyong permiso
  • Dahil sa privacy, hindi namin masasabi sa iyo kung ano ang status ng isang report

Impormasyon na kailangan mo upang gumawa ng report

  • Ang pangalan, address, at telepono ng negosyo/kalakalan o organisasyon
  • Ang (mga) pangalan o mga posisyon ng mga taong may kinalaman sa iyong report
  • Ano ang abuso

Ireport ang abuso

Iba pang mga paraan upang mag-report ng pang-aabuso

  • Sa telepono

    Tawagan ang telephone tip line ng Service Canada: 1‑866‑602‑9448 (available 24 oras bawat araw, 7 araw bawat linggo)

    Kapag tumawag ka sa telephone tip line, maari mong gawin ang sumusunod:

    • Mag-iwan ng mensahe na may impormasyon na maiimbestiga ng Service Canada, o kaya
    • Kumausap sa isang live Service Canada agent sa isa sa mahigit sa 200 wika

    Ang agents ay available sa mga oras na ito (Eastern time zone)

    • Lunes hanggang Biyernes: 6:30 am hanggang 8:00 pm
  • Nang personal

    Bisitahin ang Service Canada Centre

  • Sa mail

    Ipadala ang impormasyon sa:

    Temporary Foreign Worker Program Branch
    Service Canada
    6th Floor 165 Hotel-de-Ville Mailstop L610
    Gatineau QC  K1A 0J2
    Canada

Page details

Date modified: