MGA SERBISYO PARA SA

Ang Correctional Service of Canada (CSC) ay responsable para sa pangangalaga at pagbabantay sa komunidad para sa mga may kasong hinatulan ng pagkakakulong sa loob ng dalawang taon o mahigit pa.

Kung isa kang biktima ng krimen, gusto naming tiyakin na tinatrato ka nang patas at may paggalang. Nakahanda ang masusugid na Victim Services Officer (VSO) upang bigyan ka ng impormasyon tungkol sa CSC at sa may kaso na nagpahamak sa iyo.

Sino ang Kwalipikado para sa Mga Serbisyo para sa Biktima ng CSC?

Ang biktima ay sinumang indibidwal na nakaranas ng pisikal o emosyonal na kapahamakan, pinsala sa pag-aari o kawalan ng kabuhayan nang dahil sa paglabag.

Ang mga sumusunod na indibidwal ay kwalipikadong ipaglaban ang kaparatan ng isang biktima kapag namatay na ang biktima o hindi niya magagawang kumilos para sa kanyang sarili:

Paano Magparehistro bilang isang Biktima

Kung nabiktima ka ng isang may kaso na sinentensyahan nang dalawang taon o higit pa, dapat kang magparehistro sa CSC upang makatanggap ng impormasyon o makakuha ng mga serbisyo. Mangyaring magsagot at maglagda ng Aplikasyon upang Makatanggap ng Impromasyon bilang isang Biktima at isumite ito sa pinakamalapit na CSC sa rehiyon o sa Opisina ng Parole Board of Canada (PBC). Maaari mo ring tawagan ang iyong opisina ng Mga Serbisyo para sa Biktima ng CSC sa rehiyon at direktang makipag-usap sa isang VSO na makakatulong sa iyo sa proseso ng pagpaparehistro.

Mga Pahayag ng Biktima

Hinihikayat ng CSC ang mga biktima na magbigay ng impormasyon patungkol sa mga alalahanin niya sa kanyang kaligtasan at ang epekto ng kaso sa kanya, sa kanyang pamilya at/o komunidad.

Ibinibigay ba ang Impormasyon ng Biktima sa Mga May Kaso?

Kung makikipag-ugnayan ka sa Mga Serbsiyo para sa Biktima ng CSC upang makatanggap ng impormasyon, hindi sasabihan ang may kaso. Kung magbibigay ka ng impormasyon na ginamit sa isang pasya na nakaapekto sa pagpapalabas sa isang may kaso mula sa isang institusyon, dapat na ibahagi ng CSC ang impormasyong iyon sa may kaso. Gayunpaman, hindi ibabahagi ang iyong personal na impormasyon, gaya ng address at numero ng telepono, sa may kaso o gagawing available para sa kanya, nang walang pahintulot mo.

Pagtanggap ng Impormasyon

Makakatanggap ka ng impromasyon tungkol sa may kaso na may atraso sa iyo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa CSC o PBC upang hilingin ito. Makakatulong ang impormasyong ito na maunawaan mo ang proseso ng correctional at conditional na pagpapalaya at makakatulong ito para sa iyong kaligtasan. Maaari ka ring tumanggap ng impormasyon para sa ibang tao o maaari mong payagan ang isang taong pinagkakatiwalaan mo na tumanggap ng impormasyon para sa iyo.

Canadian Victims Bill of Rights

Ang Canadian Victim Bill of Rights (CVBR) ay may pinalawak na mga serbisyo na ibinibigay ng CSC sa mga biktima ng mga pederal na krimen sa Canada. Kung isa kang biktima ng krimen, magkakaroon ka na ng mga sumusunod na statutory right:

Bilang isang rehistradong biktima sa CSC, magkakaroon ka na ng higit na access sa impormasyon tungkol sa taong may atraso sa iyo, kabilang ang:

Pagrereklamo

Kung naniniwala kang nilabag o tinanggihan ang mga karapatan mo bilang isang biktima, may karapatan kang magsampa ng pormal na reklamo sa CSC. Susuriin ng CSC ang iyong reklamo, gagawa ito ng rekomendasyon upang magwasto ng anumang paglabag at aabisuhan ka nito tungkol sa mga resulta ng pagsusuri.

Kung gusto mong magreklamo, mangyaring makipag-ugnayan sa Unit ng Serbisyo para sa Biktima ng CSC sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-866-806-2275 o pag-email sa victims-victimes@csc-scc.gc.ca.

Impormasyon ng Contact

Maaari kang makipag-ugnayan sa CSC at matuto pa tungkol sa Mga Serbisyo para sa Biktima o humiling ng impormasyon.

Toll-free: 1-866-806-2275
E-mail: victims-victimes@csc-scc.gc.ca
Web site: www.csc-scc.gc.ca/victims-victimes

Iba Pang mga Resource

Parole Board of Canada – Services for Victims
Toll-free 1-866-789-4636
www.pbc-clcc.gc.ca

Department of Justice – Victims Fund
(Tulong pinansyal upang makadalo sa mga pagdinig ng Parole Board)
Toll-free: 1-866-544-1007
www.justice.gc.ca

The Office of the Federal Ombudsman for Victims of Crime
Toll-free: 1-866-481-8429
www.victimsfirst.gc.ca

Détails de la page

Date de modification :