Snapshot ng gabay sa pagkain

Figure 1. Text version below.

Snapshot ng gabay sa pagkain – Tekstong Paglalarawan

Gabay sa pagkain ng Canada

Kumain nang masustansya. Mabuhay nang malusog.

May dalawang pangunahing larawan ang mabilisang gabay sa pagkain. Ang unang larawan ay nagpapakita ng baso ng tubig at pinggang may pagkain. Nakasaad ang pahayag na ito sa itaas:

Kumain ng iba’t ibang masustansyang pagkain araw-araw.

Mayroong apat na mensahe sa paligid ng pinggan. Ang mga ito ay:

  • kumain ng maraming gulay at prutas
  • piliin ang buong butil na pagkain
  • kumain ng mga pagkaing may protina
  • tubig ang gawing pangunahing inumin

Kalahati ng pinggan ay mga gulay at prutas (broccoli, carrot, blueberry, strawberry, berde at dilaw na bell pepper, mansanas, pulang repolyo, spinach, kamatis, patatas, kalabasa, at green peas). Isang kaapat ng pinggan ay mga protinang pagkain (lean na karne, manok, iba’t ibang nuts at buto, lentil, itlog, tokwa, yogurt, isda, beans). Ang natitirang kaapat ng pinggan ay mga buong butil na pagkain (buong butil na tinapay, buong butil na pasta, wild rice, red quinoa, brown rice).

Ang pangalawang larawan ay nagpapakita ng pitong kahon na may sari-sariling mensahe at larawan.

Nakasaad ang pahayag na ito sa itaas:

Ang masustansyang pagkain ay hindi lang sa mga nakasanayan mong pagkain.

Nakasaad sa unang kahon, Isaisip ang iyong nakasanayan sa pagkain

Nagpapakita ang larawan ng dalawang taong nasa hustong gulang na magkasamang nag-aalmusal.

Nakasaad sa pangalawang kahon, Magluto nang mas madalas.

Nagpapakita ang larawan ng taong nasa hustong gulang at isang bata na magkasamang nagluluto.

Nakasaad sa pangatlong kahon, Namnamin ang iyong pagkain.

Nagpapakita ang larawan ng isang mangkok ng pagkain.

Nakasaad sa pang-apat na kahon, Kumain nang may kasalo.

Nagpapakita ang larawan ng grupo ng mga taong nagsasalu-salo.

Nakasaad sa panlimang kahon, Basahin mo ang mga label ng pagkain.

Nagpapakita ang larawan ng mga kamay ng isang taong may hawak na dalawang lata ng pagkain. Ipinapakita ang mga talahanayan ng mga impormasyon ng nutrisyon sa mga lata.

Nakasaad sa pang-anim na kahon, Limitahan ang mga pagkaing mataas sa sodium, asukal, o saturated fat.

Nagpapakita ang larawan ng mga pinrosesong pagkain tulad ng mga tinapay, pizza, soft drink, tsokolate, at hot dog.

Nakasaad sa pampitong kahon, Maging matalino sa marketing ng pagkain.

Nagpapakita ang larawan ng taong tumitingin sa patalastas ng pagkain sa cellphone at computer.

Page details

Date modified: