Nagbukas ang Canada ng operations centre sa Pilipinas upang dagdagan ang kapasidad sa pagproseso ng pandaigdigang imigrasyon
Paglabas ng Balita
Marso 3, 2023—Maynila, Pilipinas —Dahil sa kahalagahan ng rehiyon ng Indo-Pacific at ang epekto nito sa mga Canadians, ang isang komprehensibo at inklusibong estratihiya ay mahalaga upang gabayan ang mga aksyon ng Canada. Sa layuning ito, ang Canada ay namumuhunan sa pagpapatibay ng mga ugnayan sa pagitan ng mga Canadians at rehiyon na bilang bahagi ng Indo-Pacific Strategy.
Ngayon, inihayag ni Rechie Valdez, Miyembro ng Parliyamento para sa Mississauga—Streetsville, sa ngalan ng Kagalang-galang na Sean Fraser, Ministro ng Immigration, Refugees at Citizenship, ang pagbubukas ng bagong application processing center sa Maynila, Pilipinas. Ang inisyatibang ito ay sumusuporta sa Indo-Pacific Strategy ng Canada at tumutulong upang madagdagan ang pagproseso ng aplikasyon ng imigrasyon sa loob ng sentralisadong network ng Canada, gayundin sa ibang bansa.
Ang bagong sentro ay matatagpuan sa Embahada ng Canada sa Maynila na may karagdagang suporta ng 37 na bagong empleyado. Ang karagdagang kapasidad ay bahagi ng isinasagawang mga pagsisikap ng Canada para bigyang-daan ang mataas na dami ng mga aplikasyon ng visa mula sa buong mundo, para masuportahan ang isinasagawang pagsisikap na mapahusay din ang serbisyo sa mga kliyente, at para makatulong na maabot ang plinanong karagdagang antas ng imigrasyon ng Canada sa mga darating na taon.
Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng presensya nito sa ibang bansa, ang Canada ay gumagawa ng estratehikong mga pamumuhunan, na may layuning magdala ng mas maraming tao sa Canada— ito man ay pagbisita, pag-aaral, pagtatrabaho o permanenteng paninirahan.
Mga Sipi
“Nakatakdang tanggapin ng Canada ang record number ng mga bagong dating sa mga darating na taon upang pasiglahin ang ating pagpapalago ng ekonomiya. Ito ay magbibigay sa atin ng benepisyo sa pandaigdigang lahi ng talento at sumusuporta sa mga pangunahing sektor at industriya. Ang anunsiyo ngayong araw para buksan ang bagong sentro na may 37 na bagong empleyado sa Pilipinas ay isa pang halimbawa ng trabaho ng Canada upang dagdagan ang pagproseso ng imigrasyon, habang ipinagpapatuloy natin ang pagsulong ng mas malaking pagkakaiba-iba ng mga taong nagnanais na bumisita, mag-aral, magtrabaho, at manirahan sa Canada.”
– Ang Kagalang-galang na si Sean Fraser, Ministro ng Immigration, Refugees at Citizenship
“Ang Canada at ang rehiyon ng Indo-Pacific ay nagbabahagi ng malalim na ugnayan ng mga tao sa tao na hindi lamang malaki ngunit mabilis ding lumalawak. Ang sentro ng mga operasyon na ito ay tutulong na mapadali ang paglalakbay upang makaakit ng mga manggagawang may mataas na kasanayan sa Canada, at matugunan ang mga pangangailangan ng ating ekonomiya ngayon at sa hinaharap."
– Ang Kagalang-galang na si Mélanie Joly, Ministro ng Foreign Affairs
“Ang Indo-Pacific Strategy ng Canada ay napakahalaga sa pagtugon sa epekto ng rehiyon sa mga Canadians, kabilang ang komyunidad ng Pilipino. Ang pagbubukas ng bagong application processing center sa Maynila ay isang estratehikong pamumuhunan na pakikinabangan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mahusay na pagproseso ng mga visa at pagsuporta sa nakaplanong pagtaas ng Canada sa mga antas ng imigrasyon. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng aming presensya sa ibang bansa, kami ay nakatuon na padiliin ang proseso ng imigrasyon para sa mga gustong bumisita, mag-aral, magtrabaho, o permanenteng manirahan sa Canada."
– Rechie Valdez, Miyembro ng Parliyamento para sa Mississauga—Streetsville
Kaunting Kaalaman
- Ang Plano sa Antas ng Imigrasyon ng Canada ay nagtakda ng target na 465,000 permanenteng residente sa 2023, 485,000 sa 2024 at 500,000 sa 2025.
- Ang IRCC ay may mga visa offices sa mahigit na 50 na lokasyon sa mga Embahada ng Canada, High Commission, at Konsulado sa buong mundo. Ang bagong application processing centre ay matatagpuan sa Embahada ng Canada sa Maynila.
- Bilang bahagi ng Indo-Pacific Strategy ng Canada, ang Pamahalaan ng Canada ay namumuhunan ng $74.6 milyon sa susunod na 5 taon, at $15.7 milyon sa pagpapatuloy, upang dagdagan ang kapasidad ng pagproseso ng aplikasyon ng Departamento sa domestik at sa rehiyong Indo-Pacific.
- Ang patuloy na pagtaas ng mga ugnayan ng tao sa tao sa pagitan ng Canada at Pilipinas ay nag-aambag sa paglago ng parehong lipunan. Ayon sa 2021 na sensus, 960,000 na tao na nagmula sa Pilipinas ay naninirahan sa Canada, habang lumalaking bilang ng mga mamamayang Pilipino ang bumibisita sa kanilang mga pamilya at kaibigan sa Canada, nag-aaral sa mga kolehiyo ng Canada at unibersidad o naninirahan sa Canada.
- Dahil sa diplomasiya na nagsimula noong 1949, mamarkahan ng Canada at ng Pilipinas ang kanilang ika-75 na taon ng matibay at malapit na bilateral na ugnayan sa 2024.
Mga Kaugnay na Produkto
Mga nauugnay na link
- Tinanggap ng Canada ang makasaysayang bilang ng mga bagong dating noong 2022
- Ang planong imigrasyon para mapalago ang ekonomiya
- Pagtatatag ng mas matibay na sistema ng imigrasyon
- Estratehiyang Indo-Pacific sa Canada
- Embahada ng Canada sa Pilipinas
- Si Minister Sajjan ay maglalakbay patungo sa Bangladesh, Pilipinas at Qatar
Contacts
Mga Contacts para lamang sa media:
Bahoz Dara Aziz
Press Secretary
Minister’s Office
Immigration, Refugees and Citizenship Canada
Bahoz.DaraAziz@cic.gc.ca
Media Relations
Communications Branch
Immigration, Refugees and Citizenship Canada
613-952-1650
media@cic.gc.ca
Page details
- Date modified: