Toolkit na pang-promosyon ng planong pangangalaga ng ngipin sa Canada: Tagalog na factsheet
PDF na format
Factsheet na teksto
Plano sa Pangangalaga ng Ngipin para sa Canadian
Makakatulong ang Plano sa Pangangalaga ng Ngipin para sa Canadian (Canadian Dental Care Plan, CDCP) na mabawasan ang mga pinansyal na hadlang sa pag-access sa pangangalaga sa ngipin para sa hanggang 9 na milyong residente sa Canada.
Mga Pamantayan sa Pagiging Kwalipikado
Upang maging kwalipikado, natutugunan mo dapat ang lahat ng sumusunod na pamantayan:
- walang access sa insurance sa pangangalaga ng ngipin
- wala pang $90,000 ang isinaayos na net na kita ng pamilya
- isang residente sa Canada para sa mga layunin sa buwis
- naghain ka at ang iyong asawa/common-law-partner (kung naaangkop) ng iyong mga tax return sa Canada upang masuri ang kita ng iyong pamilya para sa nakaraang taon.
Mga Serbisyo sa Pangangalaga ng Ngipin
Maraming iba’t ibang serbisyo sa pangangalaga ng ngipin ang saklaw sa ilalim ng CDCP, sa rekomendasyon ng isang provider para sa kalusugan ng bibig, kabilang ang:
- Scaling (pagpapalinis)
- Mga eksaminasyon
- Mga X-Ray
- Mga pasta
- Mga naaalis na pustiso
- Mga root canal na paggamot
- Operasyon sa bibig
Ire-reimburse ng CDCP ang porsyento ng gastos, batay sa mga nakatakdang bayarin ng CDCP at isinaayos na net na kita ng pamilya mo.
Maaaring kailanganin mong magbayad ng mga karagdagang singil nang direkta sa provider para sa kalusugan ng bibig, kung:
- nasa pagitan ng $70,000 at $89,999 ang isinaayos na net na kita ng pamilya mo
- mas malaki ang gastos sa iyong mga serbisyo ng pangangalaga sa kalusugan ng bibig kaysa sa mga nakatakdang bayarin ng CDCP, o
- nagkasundo kayo ng iyong provider para sa kalusugan ng bibig sa mga serbisyong hindi saklaw ng CDCP
Magre-reimburse lang ang CDCP nang direkta sa mga provider. Dapat kumpirmahin ng mga kliyente ng CDCP sa panahon ng appointment at bago ang pagtanggap ng pangangalaga na sumang-ayon ang kanilang provider na singilin ang Sunlife nang direkta para sa mga serbisyong
saklaw sa ilalim ng CDCP.
Mahalaga ang pangangalaga ng ngipin sa iyong pangkalahatang kalusugan at kagalingan. Napatunayan nang nababawasan ng mga regular na pagbisita sa isang propesyonal sa kalusugan ng bibig ang panganib ng pagkabulok ng ngipin, sakit sa gilagid at iba pang seryosong isyu sa kalusugan gaya ng cardiovascular disease at stroke.
Para sa higit pang detalye sa CDCP at mga pamantayan sa pagiging kwalipikado, bisitahin ang Canada.ca/dental.
Page details
- Date modified: