Pag-aseso ng Migrant Worker Support Network Pilot sa British Columbia

Pakitandaan na ang huling ulat ay available lamang sa English at French

Veuillez noter que le rapport final est disponible en anglais et en français seulement

Sa pahinang ito

Mga Alternatibong Format

Tungkol sa programa

Ang Network ay bahagi ng Temporary Foreign Worker Program at layunin nitong pahusayin ang proteksyon ng migrant workers sa pamamagitan ng pagsuporta at pagturo sa kanila kung ano ang kanilang mga karapatan habang sila’y nasa Canada, nang maunawaan at magamit nila ang mga karapatang ito.

Ang Network ay may dalawang komponente:

  • Ang Funding Program na namamahagi ng funding sa non-profit organizations.
  • Network Meetings kung saan kasama ang Network Plenary, Working Groups, ang Migrant Workers’ Forum, at ang Government Network.

Mula Marso 2018 hanggang Marso 2020 (ang scope ng assessment), $3.4 milyon ang itinakda sa budget upang mag- pilot ng Network sa British Columbia.

Ang mga pinakamahalagang bagay na natuklasan

Sa pamamagitan ng rebyu ng dokumento at pagsasagawa ng mga interview, focus groups, at surveys sa 78 iba't-ibang stakeholders (kabilang ang migrant workers), natuklasan ng assessment na ito na nagawa at nagkaroon ng progress ang Network sa mga sumusunod:

  • Ang stakeholders ay nakakuha ng mahalagang impormasyon.
    • Para sa migrant workers, kabilang dito ang pagkakaroon ng kaalaman upang magamit nila ang kanilang mga karapatan.
    • Para sa ibang stakeholders, kabilang dito ang impormasyon na kinakailangan upang pahusayin ang suportang ibinibigay nila sa migrant workers.
  • Kolaborasyon ng stakeholders.
  • Ang migrant workers ay nakakakuha ng suporta kapag nagrereport sila ng mga masamang bagay.

Ang mga lugar na patuloy na pinahuhusay ay:

  • Ang pag-detect at paghadlang sa pag-abuso ng mga employer sa migrant workers.
  • Ang pagdibelop ng patakaran at mga rekomendasyon sa funding na nagbibigay-impormasyon sa gobyerno na pabutihin ang proteksyon sa workers.

Mga konsiderasyon

Ginawa ang mga sumusunod na konsiderasyon batay sa analysis ng mga lakas, kahinaan, banta, at oportunidad ng Network:

  • Palawakin ang Network sa British Columbia, habang isinasaalang-alang ang mga natuklasan sa assessment.
  • Siguraduhing may mga malinaw na proseso upang rutinang maibahagi ang impormasyon sa Network stakeholders.
  • Magsagawa ng targeted outreach sa migrant workers at employers sa ibang mga sektor maliban sa agrikultura.
  • Pahintulutan ang pag-istratehiya habang isinasagawa ang mga Network meeting upang mabigyan ng impormasyon ang Funding Program.
  • Gamitin ang Government Network upang pahusayin ang kolaborasyon ng mga pamahalaan at upang malaman kung at kung paano maiimpluwensiya ng Network ang mga patakaran at funding ng gobyerno.
  • Magdibelop ng logic model at isang sistema ng pangongolekta/pagreport ng datos.
  • Kung isasama sa Network ang ibang mga hurisdiksyon, magsagawa ng mga konsultasyon upang asesuhin ang local interest at pangangailangan.

Détails de la page

Date de modification :