Paano magreport ng pag-abuso sa Temporary Foreign Workers
Kung ikaw ay nasa mapanganib o peligrosong sitwasyon, mangyaring tumawag kaagad sa 9-1-1.
Ito'y libreng tawag mula sa anumang telepono sa Canada.
Ang lahat ng workers sa Canada ay protektado sa ilalim ng batas ng Canada.
Lubhang sineseryoso ng Canada ang pag-abuso sa temporary foreign workers (TFW) o ang TFW program. Ang mga employer na umaabuso sa workers o sa program ay maaring multahan o pagbawalan sa program.
Ang kahit sino man ay maaring magreport ng pag-abuso, halimbawa:
- ang worker
- isang kasamahan sa trabaho
- ang employer
- isang miyembro ng publiko
- Isang banyagang konsulada
- Isang grupong pang-adbokasiya
Uri ng abuso na dapat mong ireport
- Mayroong nagbabanta, nagbu-bully, o umaabuso sa iyo
- Mayroong nagbabanta sa iyong status sa Canada
- Hindi ka pinahihintulutang umalis sa iyong lokasyon ng trabaho o sa iyong tirahan
- Hawak ng iba ang iyong passport o mga dokumento
- Hindi mo natatanggap ang iyong wastong suweldo o time-off
- Ang trabahong ginagawa mo ay naiiba sa trabahong sinang-ayunan mong gawin, o sa trabahong sinabi sa LMIA
Ang mga dapat malaman kapag gumagawa ng report
- Mahalagang sabihin mo sa amin ang lahat ng impormasyon na maibibigay mo
- Ang impormasyon na ibibigay mo sa amin ay protektado ng mga batas ng Canada ukol sa privacy/pagka-pribado
- Hindi namin kailanman sasabihin sa iyong employer o sa sinoman sa iyong lugar ng trabaho kung sino ang gumawa ng report
- Hindi mo kailangang ibigay ang iyong pangalan, telepono, o LMIA/work permit number upang gumawa ng report, pero makakatulong ang mga ito sa amin kung sakaling kailangan namin ng karagdagang impormasyon
- Hindi ka namin kokontakin at hindi namin ibibigay ang iyong impormasyon nang wala ng iyong permiso
- Dahil sa privacy, hindi namin masasabi sa iyo kung ano ang status ng isang report
Impormasyon na kailangan mo upang gumawa ng report
- Ang pangalan, address, at telepono ng negosyo/kalakalan o organisasyon
- Ang (mga) pangalan o mga posisyon ng mga taong may kinalaman sa iyong report
- Ano ang abuso
Ireport ang abuso
- Kung isa kayong manggagawa o miyembro ng publiko, mag-ulat tungkol sa pang-aabuso dito:
Ireport ang abuso (manggagawa o miyembro ng publiko) - Kung mula kayo sa isang Konsulada o Grupong tagapayo, mangyaring mag-ulat dito:
Ireport ang abuso (isang Konsulada o Grupong tagapayo)
Iba pang mga paraan upang mag-report ng pang-aabuso
-
Sa telepono
Tawagan ang telephone tip line ng Service Canada: 1‑866‑602‑9448 (available 24 oras bawat araw, 7 araw bawat linggo)
Kapag tumawag ka sa telephone tip line, maari mong gawin ang sumusunod:
- Mag-iwan ng mensahe na may impormasyon na maiimbestiga ng Service Canada, o kaya
- Kumausap sa isang live Service Canada agent sa isa sa mahigit sa 200 wika
Ang agents ay available sa mga oras na ito (Eastern time zone)
- Lunes hanggang Biyernes: 6:30 am hanggang 8:00 pm
-
Nang personal
Bisitahin ang Service Canada Centre
-
Sa mail
Ipadala ang impormasyon sa:
Direction générale du Programme des travailleurs étrangers temporaires
Service Canada
165 Hôtel-de-Ville Phase 2
6e étage arrêt postal L610
Gatineau QC K1A 0J2
Canada
Signaler un problème ou une erreur sur cette page
- Date de modification :