Paano magreport ng pag-abuso sa Temporary Foreign Workers
Kung ikaw ay nasa mapanganib, tumawag na ngayon sa 911.
Ito'y libreng tawag mula sa anumang telepono sa Canada.
Sa page na ito
- Protektado ang iyong mga karapatan
- Mga paraan ng pag-report ng pang-aabuso
- Mga bagay na dapat malaman kapag gumagawa ng report
- Impormasyong kailangan mo para gumawa ng report
Protektado ang iyong mga karapatan
Ang lahat ng workers sa Canada ay protektado sa ilalim ng batas ng Canada.
Lubhang sineseryoso ng Canada ang pag-abuso sa temporary foreign workers (TFW) o ang TFW program. Ang mga employer na umaabuso sa workers o sa program ay maaaring multahan o pagbawalan sa program. Kung ikaw o ang kakilala mo ay nakaranas ng pang-aabuso, maaari mong i-report ito sa Service Canada.
Mga halimbawa ng pang-aabuso:
- isang taong nagbabanta, nagbu-bully, o umaabuso sa iyo
- isang taong nagbabanta sa iyong status sa Canada
- hindi ka pinahihintulutang umalis sa iyong lokasyon ng trabaho o sa iyong tirahan
- hawak ng iba ang iyong passport o mga dokumento
- hindi mo natatanggap ang iyong wastong suweldo o time-off
- ang trabahong ginagawa mo ay naiiba sa trabahong sinang-ayunan mong gawin, o sa trabahong sinabi sa Labour Market Impact Assessment (LMIA)
Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang Ang iyong mga karapatan ay protektado.
Mga paraan ng pag-report ng pang-aabuso
Ang mga pinakamabilis at pinakamadaling paraan para i-report ang pang-aabuso ay online o sa pamamagitan ng telepono.
Online
Maaari kang mag-report online.
Kung isa kayong manggagawa o miyembro ng publiko, mag-ulat tungkol sa pang-aabuso dito:
Ireport ang abuso (manggagawa o miyembro ng publiko)
Kung mula kayo sa isang Konsulada o Grupong tagapayo, mangyaring mag-ulat dito:
Ireport ang abuso (isang Konsulada o Grupong tagapayo)
Sa pamamagitan ng telepono
Maaari kang tumawag sa 1-866-602-9448 para i-report ang pang-aabuso. Available ito ng 24 na oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
Kapag tumawag ka sa tip line, maaari kang:
- mag-iwan ng mensahe na may impormasyong iimbestigahan ng Service Canada, o
- makipag-usap sa isang live agent ng Service Canada sa isa sa mahigit 200 wika sa mga oras ng Negosyo: Lunes hanggang Biyernes mula 6:30 am hanggang 8 pm Eastern time
Maaari mong i-print o ibahagi ang impormasyong ito sa sinumang workers na kilala mo:
Iba pang mga paraan para i-report ang pang-aabuso
-
Sa personal
Bisitahin ang Service Canada Centre.
-
Sa pamamagitan ng mail
Ipadala ang impormasyon sa:
Temporary Foreign Worker Program Branch
Service Canada
140 Promenade du Portage
5th Floor Box 520
Gatineau QC K1A 0J2
Canada
Mga bagay na dapat malaman kapag gumagawa ng report
- Mahalagang sabihin mo sa amin ang lahat ng impormasyon na maibibigay mo
- Ang impormasyon na ibibigay mo sa amin ay protektado ng mga batas ng Canada ukol sa privacy/pagkapribado
- Hindi namin kailanman sasabihin sa iyong employer o sa sinoman sa iyong lugar ng trabaho kung sino ang gumawa ng report
- Hindi mo kailangang ibigay ang iyong pangalan, telepono, o LMIA/work permit number upang gumawa ng report, pero makakatulong ang mga ito sa amin kung sakaling kailangan namin ng karagdagang impormasyon
- Hindi ka namin kokontakin at hindi namin ibibigay ang iyong impormasyon nang wala ng iyong permiso
- Dahil sa privacy, hindi namin masasabi sa iyo kung ano ang status ng isang report
Ang kahit sino man ay maaring magreport ng pag-abuso, halimbawa:
- ang worker
- isang kasamahan sa trabaho
- ang employer
- isang miyembro ng publiko
- isang banyagang konsulada
- isang grupong pang-adbokasiya
Impormasyong kailangan mo para gumawa ng report
- Ang pangalan, address, at numero ng telepono ng negosyo o organisasyon
- Ang mga pangalan o posisyon ng mga taong nasasangkot
- Ang uri ng pang-aabuso
Page details
- Date modified: