Temporary foreign workers: Ang Iyong mga Karapatan ay Protektado
Ang guide/patnubay na ito ay ginawa para sa temporary foreign workers (TFWs) na na-hire sa ilalim ng Temporary Foreign Worker Program (TFWP). Para sa impormasyon tungkol sa mga karapatan bilang foreign workers na na-hire sa ilalim ng International Mobility Program, mangyaring bisitahin ang Alamin ang inyong mga karapatan.
Sa pahinang ito
- Ang iyong mga karapatan
- Ang iyong kasunduan sa trabaho
- Access sa mga serbisyo sa health care
- Kung ikaw ay nasaktan o nagkasakit sa iyong lugar ng trabaho
- Kalusugan at kaligtasan sa trabaho
- Lugar ng trabaho na malaya mula sa abuso
- Kung nawalan ka ng trabaho
- Pagpalit ng mga employer
- Mga karapatan sa housing
- Paano kumuha ng tulong
- Pagreport ng abuso
- Pagpapalit ng trabaho dahil sa abuso o dahil maaaring maabuso
- Paghingi ng tulong mula sa isang support organization para sa migrant workers
- Pagreport ng isang problema sa kalusugan o kaligtasan sa lugar ng trabaho
- Pagreport ng ibang mga problema sa trabaho
- Para sa mga empleyadong nagtratrabaho sa sektor na regulado ng federal na pamahalaan
- Proteksyon at tulong para sa mga biktima ng human trafficking
Mga Alternatibong Format
Ang iyong mga karapatan
Sa Canada, ang mga karapatan ng lahat ng workers—kabilang ang TFW—ay protektado ng batas. Kung ikaw ay isang TFW, ang iyong mga karapatan at mga proteksyon ay pareho ng para sa Canadians at permanent residents.
Dapat gawin ng iyong employer ang sumusunod:
- bigyan ka ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan.
- bigyan ka ng pirmadong kopya ng iyong kasunduan sa trabaho (employment agreement, ibig sabihin, kontrata sa trabaho) sa o bago ng unang araw ng iyong trabaho.
- bayaran ka para sa iyong trabaho, tulad ng nakapahayag sa iyong employment agreement o kasunduan sa trabaho. Kabilang dito ang overtime na trabaho kung ito'y bahagi ng iyong agreement.
- gumawa ng mga makatwirang pagsisikap upang bigyan ka ng isang lugar ng trabahong malaya mula sa abuso, kabilang ang paghihiganti.
- sundin ang mga pamantayan para sa employment at recruitment sa province o territory kung saan ka nagtratrabaho.
- kumuha at magbayad para sa pribadong health insurance na sasakop sa iyong emergency medical care hanggang ikaw ay eligible para sa provincial o kaya territorial health insurance coverage (tingnan ang Access sa mga serbisyo sa health care na seksyon upang malaman ang mga eksepsiyon).
- makatwirang pagsikapang bigyan ka ng access sa mga serbisyo sa health care kung sakaling ikaw ay nasaktan o nagkasakit sa lugar ng trabaho.
Hindi maaaring gawin ng iyong employer ang sumusunod:
- puwersahin kang gawin ang isang hindi ligtas na trabaho, o trabahong hindi awtorisado na gawin mo, alinsunod sa iyong kasunduan sa trabaho.
- puwersahin kang magtrabaho kung ikaw ay may sakit o kung ikaw ay nasaktan.
- i-pressure o puwersahin kang magtrabaho nang overtime at hindi ito kasali sa iyong kasunduan sa trabaho.
- parusahan ka dahil nagreport ka na ng mistreatment (hindi magandang pagtrato), hindi ligtas na trabaho, hindi sapat na housing, o dahil nakikipagtulungan ka sa isang inspeksyon na ginawa ng empleyado ng pamahalaan.
- kunin mula sa iyo ang iyong passport o work permit.
- ideport ka mula sa Canada, o baguhin ang iyong immigration status.
- pabayarin sa iyo ang fees na may kinalaman sa recruitment, na maaaring binayaran nila upang i-hire ka.
Ang iyong kasunduan sa trabaho
Sa o bago dumating ang iyong unang araw sa trabaho, dapat kang bigyan ng iyong employer ng isang kopya ng iyong kasunduan sa trabaho. Ito'y dapat nakasulat sa Ingles o Pranses—ang iyong piniling opisyal na wika habang ikaw ay nasa Canada. Dapat ikaw at ng iyong employer ay pirmahan ang kasunduang ito. Ang kasunduan sa trabaho ay dapat tumukoy sa parehong trabaho, suweldo, at mga kondisyon sa trabaho na nakabalangkas sa iyong offer of employment (alok ng trabaho).
Access sa mga serbisyo sa health care
Hindi mo kailangan ng permiso mula sa iyong employer upang mapatingnan ang iyong kalusugan. Sa karamihan ng mga kaso ay hindi mo kailangang magbayad upang magpatingin sa doktor o magpunta sa ospital sa Canada.
Provincial o kaya territorial health care insurance
Magkakaroon ka ng access sa libreng health care sa ilalim ng health insurance system ng province o territory kung saan ka nagtratrabaho. Gayunman, sa unang pagdating mo sa Canada, maaaring abutin nang ilang panahon bago ka masakop ng provincial o kaya territorial health insurance system. Tutulungan ka ng iyong employer na i-set up ang iyong health insurance coverage tulad ng inire-require ng iyong province o territory.
Pribadong health insurance
Kung may panahon kung kailan hindi ka sakop ng provincial o territorial health insurance kung saan ka nagtratrabaho, dapat kumuha ang iyong employer ng pribadong health insurance para sa iyo na sumasakop sa emergency medical care, at dapat siya ang magbayad para dito. Hindi maaaring kaltasan ng iyong employer ang iyong suweldo para sa anumang halaga para sa pribadong health insurance na ito.
Hindi ito naaangkop sa iyokung ikaw ay isang seasonal agricultural worker mula sa Mexico o Caribbean dahil ang health insurance ay kasama na sa mga kasunduan ng mga bansang ito sa Canada.
Kung ikaw ay nasaktan o nagkasakit sa iyong lugar ng trabaho
Sabihin sa iyong supervisor o employer sa lalong madaling panahon at kumuha kaagad ng medikal na atensyon. Dapat makatwirang pagsikapan ng iyong employer na magbigay ng access sa health care provider (tulad ng isang doktor, nurse, o pharmacist) sa pamamagitan ng, halimbawa:
- pagbigay sa iyo ng time off upang kumuha ng medikal na atensyon
- siguraduhing may available na telepono upang makatawag para humingi ng emergency services
- pagbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kung ano ang gagawin at kung saan pupunta upang makakuha ng health care
- pagtulong sa iyo na makakuha ng transportasyon papunta sa health care provider
Hindi nire-require ang iyong employer na magbayad para sa iyong transportasyon upang magpunta sa isang ospital, clinic, doktor, o ibang health care service. (Tingnan ang seksyon na Pribadong health insurance para sa mga eksepsyon para sa seasonal agricultural workers.)
Mayroon kang karapatang makipag-usap nang pribado sa isang health care provider, nang wala doon ang iyong employer.
Kalusugan at kaligtasan sa trabaho
Hindi ka maaaring puwersahin ng iyong employer na gumawa ng trabaho na sa palagay mo ay delikado o peligroso. Hindi ka niya maaaring tanggalin o tanggihang bayaran ka. Dapat siyasatin ng iyong employer ang anumang peligro na nireport sa iyong lugar ng trabaho.
Mayroon kang karapatang tanggihan na gawin ang trabaho hanggang nagkasundo kayong dalawa ng iyong employer na:
- tinanggal ang peligro
- binigyan ka ng tamang equipment at training
- wala nang problema
Dapat gawin ng iyong employer ang sumusunod:
- sundin ang mga batas ukol sa trabaho.
- i-train ka upang magawa mo nang ligtas ang iyong trabaho, kabilang ang kung paano gamitin ang anumang equipment o makina.
- bigyan ka ng protective equipment at angkop na training kung nirerequire ng iyong trabaho na gumamit ka ng pesticides/ chemical products. Hindi ka dapat kaltasan ng iyong employer ng anumang halaga mula sa iyong suweldo para sa equipment o training na ito. Dapat mong matutunan kung paano ang tamang paggamit ng equipment na ito.
Ang karamihan ng mag provinces at territory ay nag-aalok ng workers’ compensation benefits (mga bayad para sa nawalang suweldo) kapag ang workers ay nasaktan o nagkasakit dahil sa kanilang trabaho.
- Labag sa batas para sa iyong employer na pigilan kang gumawa ng workers’ compensation claim.
- Sa ilang provinces at territories, ang mga employer ay dapat kumuha ng workplace safety insurance, at dapat sila ang magbabayad para dito. Hindi ka dapat kaltasan ng iyong employer ng anumang halaga mula sa iyong suweldo para dito.
- Kung ikaw at ang iyong employer ay hindi nagkakasundo tungkol sa isang isyu sa kalusugan at kaligtasan, ireport ang sitwasyon sa workplace health and safety office sa iyong province o territory (Tingnan ang seksiyon na Pagreport ng isang problema sa kalusugan o kaligtasan sa lugar ng trabaho).
Lugar ng trabaho na malaya mula sa abuso
Dapat makatwirang pagsikapan ng mga employer na maglaan ng isang lugar sa trabaho na malaya mula sa abuso. Ang iyong employer o ang sinomang táong kumikilos para sa kanya ay hindi maaaring pisikal, sekswal, sikolohikal, o pinansyal na umabuso sa iyo.
Kabilang sa abuso ang paghihiganti tulad ng mga kilos o pagbanta na ikaw ay ide-demote, didisiplinahin, o idi-dismiss dahil inireport mo na hindi sumunod ang iyong employer. Ang anumang kilos ng pananakot, kontrol, o pag-isolate sa iyo ay maaaring abuso.
Ang ilang mga halimbawa ng abuso ay:
- kapag sinaktan ka
- kapag pinagbantahan ka, ininsulto ka
- kapag pinuwersa kang magtrabaho sa isang paraang hindi ligtas, o paraang mapanganib sa iyong kalusugan
- kapag sekswal kang hinipo nang hindi mo gusto
- humihingi nang mga seksual na pabor upang mapanatili mo ang iyong trabaho o bumalik sa susunod na taon
- kapag kinokontrol kung saan ka maaaring pumunta, o kung kanino ka maaaring makipagkita
- kapag nagnanakaw mula sa iyo
- kapag kinuha ang anuman o lahat ng perang utang sa iyo
- kapag kinuha at ayaw ibalik ang iyong passport, work permit, o ibang ID
- kapag pinuwersa kang mandaya
- kapag ikaw ay tinanggal sa trabaho, pinagbantahan, o dinisiplinahan dahil nagreklamo ka tungkol sa iyong mga kondisyon sa trabaho, o sa abuso, o dahil lumahok ka sa isang inspeksyon na ginawa ng isang empleyado ng pamahalaan
- kapag tinanggal ka sa trabaho, may ginagawa sa iyong pagbabanta na paalisin ka sa Canada o pagpilit sa iyo na magpalaglag kung ikaw ay buntis
Upang ireport ang isang abusadong sitwasyon, kontakin ang Service Canada confidential tip line sa 1-866-602-9448. Kung kailangan mo kaagad ng tulong, tumawag sa 9-1-1 o kaya sa pulis sa iyong lugar.
Kung nawalan ka ng trabaho
Dapat ka bigyan ng iyong employer ng makatwirang abiso bago ka ma-layo off. Kung hindi niya ginawa ito, dapat ka niyang bayaran ng termination pay. Ang halaga ay batay sa kung gaano ka na katagal nagtratrabaho at kung saang province o territory ka nagtratrabaho.
Kung nawalan ka ng trabaho at hindi mo ito kasalanan, o kung umalis ka sa iyong trabaho dahil ikaw ay inaabuso, maaaring kwalipikado kang makatanggap ng Employment Insurance benefits.
Para sa impormasyon tungkol sa EI, bisitahin ang EI regular benefits page.
Pagpalit ng mga employer
Maaari kang magpalit ng mga employer. Gayunman, maaaring ang iyong work permit ay para lamang sa trabaho para sa iyong kasalukuyang employer, kaya maaaring kailangan mong mag-apply para sa isang bagong work permit bago ka makapagsimula para sa ibang employer. Dapat din kumuha ang iyong bagong employer ng permiso mula sa Pamahalaan ng Canada upang i-hire ka bilang isang temporary foreign worker. Kailangan nilang magkaroon ng Labour Market Impact Assessment (LMIA).
Kung ikaw ay isang agricultural worker sa ilalim ng Seasonal Agricultural Worker Program (SAWP), maaaring makapagpalit ka ng mga employer nang hindi kumukuha ng panibagong work permit. Kung gusto mong malaman kung ikaw ay SAWP worker, hanapin sa iyong work permit: ang salitang "Approved MEX/CCSAWP employer only" na nakasulat sa ibabang pangungusap. Tingnan ang iyong pinirmahang employment contract kung paano makukumpleto ang iyong paglilipat sa mga employer ng SAWP.
Kung nagpalit ka ng trabaho nang hindi sinusunod ang mga hakbang sa itaas, maaaring nagtratrabaho ka nang walang pahintulot. Maaari itong magdulot ng malubhang epekto at maaaring magresulta sa isang utos ng pag-alis, na nangangahulugang dapat kang umalis sa bansa.
Maaari mong gamitin ang Government of Canada Job Bank upang maghanap ng mga trabaho sa mga Canadian employer na nais mag-hire ng mga TFWs. Sasabihin ng job posting kung ang employer ay nag-apply na para sa isang positibong LMIA, o kung nakatanggap na siya nito. Kailangan ito ng employer upang mag-hire ng isang TFW.
Mga karapatan sa housing
Mga workers na may mababang suweldo at nagtratrabaho sa Primary Agriculture
Kung ikaw ay isang worker na may mababang suweldo, o kung ikaw ay isang primary agriculture worker, dapat siguraduhin ng iyong employer na may sapat, angkop, at abot-kayang housing na available para sa iyo. Maaari kang kaltasan ng iyong employer mula sa iyong suweldo para sa housing at mga gastos tulad ng tubig at koryente. Gayunman, mayroong ilang mga limitasyon batay sa iyong stream ng programa.
Mga workers sa Seasonal Agricultural Worker Program
Kung ikaw ay empleyado sa pamamagitan ng SAWP, dapat magbigay ang iyong employer ng sapat na housing nang walang gastos sa iyo (maliban sa British Columbia kung saan maaaring kaltasan ng mga employer ang iyong suweldo para sa tirahan). Ang iyong mga kaltas sa suweldo ay dapat ilista sa iyong employment agreement o kasunduan sa trabaho. Ang mga kaltas na pinahihintulutan ay nag-iiba-iba depende sa province. Kung ikaw ay mula sa Mexico o sa Caribbean, ang gastos para sa iyong housing at utilities ay dapat nasa iyong pinirmahang kasunduan sa trabaho.
Sapat na housing
Ang lugar kung saan ka nakatira ay dapat tumutupad sa mga provincial/territorial at municipal na batas, halimbawa:
- dapat ito'y ligtas (walang mga hazard o panganib).
- hindi overcrowded
- nasa mabuting kondisyon at prinoprotektahan ka laban sa weather
- may gumaganang fire extinguisher at smoke detectors
- may sapat at tamang ventilation
- may mga gumaganang toilet, lababo para maghugas ng kamay, at mga shower na gumagana at na pribado
- laging may mainit at malamig na maiinom na tubig
Kung may problema sa iyong housing, ireport ito sa pamamagitan ng pagtawag sa Service Canada confidential tip line sa 1-866-602-9448.
Paano kumuha ng tulong
Pagreport ng abuso
Kung hindi sumusunod ang iyong employer sa mga patakaran ng TFWP, o kung inaabuso ka niya o ang isang táong kilala mo, dapat mo itong ireport.
Pagtawag sa tip line ng Service Canada: 1-866-602-9448.
- Kompidensyal ang serbisyong ito. Hindi sasabihin ng Service Canada sa iyong employer na ikaw ay tumawag.
- Maaari kang makipag-usap sa isang Service Canada agent sa isa sa mahigit sa 200 wika.
- Maaari kang mag-iwan ng isang anonymous na mensahe upang ireport ang iyong mga alalahanin. Ang lahat ng mga tawag ay siniseryoso at maaaring imbestigahan.
Maaari ka ring mag-report ng abuso sa Service Canada gamit ang online form na ito.
Pagpapalit ng trabaho dahil sa abuso o dahil maaaring maabuso
Kung sa palagay mo'y ikaw ay inaabuso, o ikaw ay nanganganib na abusuhin, maaaring eligible kang mag-apply para sa isang open work permit para sa vulnerable workers. Ang open work permit ay magpapahintulot sa iyo na magpalit ng trabaho sa pamamagitan ng pagbigay sa iyo ng permiso na magtrabaho para sa halos anumang employer sa Canada.
Paghingi ng tulong mula sa isang support organization para sa migrant workers
- British Columbia
- Sasalubungin ka ng Community Airport Newcomers Network sa Vancouver International Airport at aalukin ka nito ng isang orientation session: (604) 270-0077
- Ang MOSAIC ay nag-aalok ng iba't-ibang mga serbisyo at maaari ka nito ikonekta sa support organizations malapit sa iyo: (604) 254-9626
- Ang DIVERSEcity Community Resources Society ay hindi direktang nagbibigay ng mga serbisyo sa mga migranteng manggagawa; sa halip ay tumutulong ito sa pamamagitan ng network at mga partnership: (604) 547-1240
- Alberta, Saskatchewan and Manitoba
- Ang Calgary Catholic Immigration Society (CCIS) ay nag-aalok ng iba't-ibang mga serbisyo sa migrant workers sa Calgary International Airport (YYC) at maaari ka nito ikonekta sa support organizations malapit sa iyo: 1-888-331-1110
- Ontario
- Sasalubungin ka ng Polycultural Immigrant and Community Services sa Toronto Pearson International Airport (YYZ) : 1-844-493-5839 ext. 2266
- Ang TNO-The Neighbourhood Organization ay nag-aalok ng iba't-ibang mga serbisyo at maaari ka nito ikonekta sa support organizations malapit sa iyo: (647) 296-0161
- Susuportahan ka ng Workforce WindsorEssex sa pamamagitan ng isang community co-ordinated strategy: (226) 774-5829
- Quebec
- Ang Immigrant Québec ay may website para sa TFWs. May listahan ng support organizations sa ilalim ng tab na "Who can help? (Sino ang makakatulong?)"
- New Brunswick, Nova Scotia at Prince Edward Island
- Makokonekta ka ng The Atlantic Region Association of Immigrant Serving Agencies (ARAISA) sa support organizations malapit sa iyo: 1-902-431-3203
- Newfoundland at Labrador
- Ang The Association for New Canadians (ANC) ay nagbibigay-suporta sa migrant workers at makakapag-alok ito ng suporta malapit sa iyo: 1-833-316-5839 o kaya 1-833-31NLTFW
Pagreport ng isang problema sa kalusugan o kaligtasan sa lugar ng trabaho
Kontakin ang iyong provincial o territorial workplace health and safety office kung:
- kung hiniling sa iyo na magsagawa ka ng mapanganib na trabaho
- hindi ligtas ang mga kondisyon sa trabaho
- nasaktan o nagkasakit ka dahil sa trabaho
- ikaw ay buntis at ang katangian ng iyong trabaho ay maaaring magdulot sa iyo ng panganib sa iyong pagbubuntis
Mga provincial at territorial workplace health at safety office:
- Alberta: 1-866-415-8690
- British Columbia: 1-888-621-7233
- Manitoba: 1-855-957-7233
- New Brunswick: 1-800-222-9775
- Newfoundland and Labrador: 1-800-563-5471
- Northwest Territories: 1-800-661-0792
- Nova Scotia: 1-800-952-2687
- Nunavut: 1-877-404-4407
- Ontario: 1-877-202-0008
- Prince Edward Island: 1-800-237-5049
- Quebec: 1-844-838-0808
- Saskatchewan: 1-800-567-7233
- Yukon: 1-800-661-0443
Pagreport ng ibang mga problema sa trabaho
Kung sa palagay mo'y hindi tama ang pagbayad sa iyo, hindi makatarungan ang pagtrato sa iyo, o hindi nirerespeto ng iyong employer ang iyong employment agreement o kasunduan sa trabaho, kontakin ang iyong provincial o territorial employment standards office:
- Alberta: 1-877-427-3731
- British Columbia: 1-833-236-3700
- Manitoba: 1-800-821-4307
- New Brunswick: 1-888-452-2687
- Newfoundland and Labrador: 1-877-563-1063
- Northwest Territories: 1-888-700-5707
- Nova Scotia: 1-888-315-0110
- Nunavut: 1-877-806-8402
- Ontario: 1-800-531-5551
- Prince Edward Island: 1-800-333-4362
- Quebec: 1-800-265-1414
- Saskatchewan: 1-800-667-1783
- Yukon: 1-800-661-0408, extension 5944
Para sa mga empleyadong nagtratrabaho sa sektor na regulado ng federal na pamahalaan
Ang karamihan ng mga industriya sa Canada ay regulado ng provincial o territorial governments, pero ang ilan ay regulado ng federal na pamahalaan. Kung ang iyong lugar ng trabaho ay regulado ng federal na pamahalaan, maaari kang magreklamo online o kaya'y maaari kang tumawag sa 1-800-641-4049. Listahan ng mga industriya at mga lugar ng trabahong regulado ng federal na pamahalaan
Proteksyon at tulong para sa mga biktima ng human trafficking
Kung sa ikaw ay biktima ng human trafficking, o mayroon kang sinususpetsahan o nalalamang nangyayaring human trafficking, tumawag sa:
- Canadian Human Trafficking Hotline sa 1-833-900-1010 upang makonekta ka sa support services o sa pulis sa iyong komunidad; o sa
- Confidential tip line ng Service Canada sa 1-866-602-9448.
Page details
- Date modified: