Elektronikong Awtorisasyon sa Paglalakbay (Electronic Travel Authorization o eTA): Paano mag-aplay
Ito ang opisyal na website ng Pamahalaan ng Canada sa pag-aaplay ng eTA na gagamitin upang makalipad papunta, o makadaan, sa isang airport sa Canada. Nagkakahalaga lamang ito nang $7 CAD.
Ano ang kailangan mo upang masagutan ang form at bayaran ang iyong eTA
Kakailanganin mo ang:
-
isang valid na passport mula sa isang visa-exempt na bansa
Simula Abril 26, 2022: Ang mga ligal na permanenteng residente ng United States ay hindi na kailangang kumuha ng eTA. Alamin kung anong mga dokumento ang kailangan mo upang maglakbay papuntang Canada.
- isang gumaganang email address, AT
- isa sa mga sumusunod na paraang tinatanggap upang bayaran ang $7 CAD fee (hindi puwedeng i-refund):
- Visa®, Mastercard®, American Express®,
- isang pre-paid Visa®, Mastercard® or American Express®,
- Visa Debit, or Debit Mastercard,
- UnionPay®, or
- JCB Card®.
Overview ng proseso ng aplikasyon para sa eTA
-
1. Ihanda ang iyong passport, credit o debit card, at basahin ang gabay.
-
2. Gamitin ang online form sa pag-aaplay. Hindi puwedeng i-save ang form. Kaya ihanda ang iyong impormasyon.
-
3. Agad na magbayad ng $7 CAD para sa iyong eTA matapos mong sagutan ang form.
-
4. Makatanggap ng email tungkol sa iyong aplikasyon ng eTA. Inaaprubahan ang karamihan sa mga aplikasyon sa loob ng ilang minuto.
o
-
5. Maaaring kailanganin mong magsumite ng mga dokumento bago maaprubahan ang iyong aplikasyon. Kung mangyari ito sa iyo, magpapadala sa iyo ng email na may mga panuto sa loob ng 72 oras.
Tulong sa form o iba pang mga tanong tungkol sa eTA
Nasa wikang Ingles at French lamang ang eTA application form. Upang matulungan kang mag-aplay ng eTA, available sa mga sumusunod na wika ang paglalarawan ng bawat field na nasa form:
Hanapin ang sagot sa mga katanungan tungkol sa eTA tulad ng kung ano ang mangyayari pagkatapos mong mag-aplay at kung kailan mo ulit kakailanganing mag-aplay ng eTA.
Détails de la page
- Date de modification :